Saturday, June 2, 2012

Pagbabalik

Ang tagal kong nawala at pagbalik ko nagulat ako sa nakita ko. May mga bumibisita pala sa blog na 'to at dahil dun, na-inspire na naman akong magshare ng mga bagay-bagay na tungkol sa pagiging estudyante. Pero dahil ngayon ay ganap na akong graduate (ehem! ^^), hindi na rin siguro madalas na makakapag update. Pero dahil naging estudyante ako sa matagal na panahon, Elementary: 6 years, Highschool: 4 years, College: Matagal HAHA! (May kindergarten pa pala! Yung parang saling kitkit ka lang, masabi lang na pumapasok/nag-aaral ka na.HAHAHA!), marami pa rin siguro akong maibabahagi. 

Nakakatuwa lang kasing alalahanin yung mga panahon na masasabi ko na "chill phase". Yung tipong hindi ka ganun nag-aalala kung san ka kukuha nag pera dahil nandyan si ermat at erpat na magbibigay sa'yo ng allowance. :D Hindi ka mag-iisip kung anong susuotin mo pagpasok dahil may uniform naman (pag kasi nagtatrabahao ka na at sa office, dapat marami kang damit although sinanay na ko ng Alma Mater ko na civilian pero pangmukhang bagong gising ang mga sinusuot ko nun, uso kasi yun sa UP). Ayun, saka ko na itutuloy ang iba pa. May dumating na bisita. HAHA!