Saturday, March 20, 2010

Paglaya.

Hindi mo nanaisin pa ang magtago kung alam mo na sa huli ay pareho lamang ang magigin resulta.

Nakakapagod ang mag-aral. Hindi naman bago sa ating lahat ang linyang iyan, kung tutuusin nga ay masyado ng gasgas, gamit na gamit na. Ngunit kagaya ng isang paboritong sapatos, luma man ay paulit ulit ulit ulit pa rin ginagamit.

Tapos na ang semestre at lumipas na naman ang halos limang buwan ng pakikipaglaban sa mga gabing mulat ang mata para lamang mag-aral ngunit wala pa ring naisasagot sa blangkong papel sa ng mga pagsusulit. Sa totoo lang ay hindi ako bilib sa mga pagsusulit bilang batayan ng talino at natutuhan ng isang tao. Mahirap sukatin ang kaalaman ng isang tao sa pamamagitan lamag ng pagsagot sa mga halos walang katapusang tanong na nakatinta sa bawat papel na ginagamit tuwinng may pagsusulit. May mga bagay na naitatatak lamang sa ating kaisipan tuwin may pagsusulit maaring sa dahilan na ito'y pinagaralan at pinagpuyatan pero pagkatapos ay mawawala na sa ating kaisipan. Parang mantsa na nabuhusan lamang ng tubig ay maglalaho na.


Napapagod man ako at madalas na ang utak ko ay parang isang isang damit na nababahidan ng mantsa at muling nawawala, naniniwala pa rin ako sa kahalagahan ng edukasyon. Nagsisilbi itong isang magandang pundasyon para sa ating mga kinabukasan.

Napapagod man ako at patuloy sa pagrereklamo ay hindi ako sumusuko dahil ayokong magtago. Gusto kong makita ng bukas, ang hinaharap sa buhay. Pagod man ako, lalaban pa din ako. Gusto kong makatapos, gusto kong lumaya sa apat na sulok ng eskwelahan hindi para matigil sa pagaaral at pagkatutuo kundi para masubukan ang aking kaalaman at muling matuto sa mga bagay na aking nakaligtaan.