Wednesday, January 27, 2010

Nakakapagod.

Masyado an akong naging abala sa mga bagay bagay kaya naman pati ang pagsusulat ay naiisantabi ko na. Bagamat nais ko talagang ibahagi ang bawat nangyayari sa akin, partikular na ang mga aktibidades sa paaralan at ang lahat ng mumunting kasiyahan at aral an aking nakukuha, ay hindi ko naman magawang isingit ang pagdetalye ng mga ito dahil na rin sa kakulangan sa oras.

Nakakapagod mag-aral. Naiisipan ko na nga ang mag-LOA dahil naiirita na ako sa sobrang dami ng ginagawa. Nakakapagod, sobra. Sabayan pa ng iba't ibang klase ng problema na labas sa mga pang-akademikong larangan.

Ngunit sa huli, habang pinagninilayan ko ang mga bagay na dapat kong ginagawa ay naisip ko na hindi sapat na tumigil ako sa ganito. Dapat pa din akong makialam, pinipilit ko ang sarili ko na itayo at kumilos sa gitna ng nakakpagod na buhay estudyante. Naisip ko na hindi lang naman ako ang nahihirapan, maging sila din, ang mga kapwa ko kamg-aral at mga kapwa ko iskolar.

Nararapat nga siguro akong magpakahirap kung gusto ko ng magandang buhay sa hinaharap. Hindi ko man lubos alam ang patutunguhan ko, ito ang humihimok sa akin upang ipagpatuloy ang paglaban at pagtahak sa landas na pinili ko at sa landas na tinatahak ko ngayon, nakakpagod man, kailangan ko itong ituloy. Saglit na lang, matatapos din ako.

No comments:

Post a Comment