Tuesday, December 15, 2009

Sakripisyo.

Kanina habang pauwi ako ay hindi ko alam kung ano bang magandang ikwento o kung may makabuluhan ba akong bagay na dapat ikwento. Sa pag-iisip ko at kagustuhan na din na magsulat ay bigla kong naisip yung resulta ng pagsusulit ko noong isang linggo. Pagsusulit yun sa isang major subject na talaga namang nakakakaba. Halos, tumalon na nga ata yung puso ko nung mga panahon bago at habang nageeksam ako pero mas lalo akong kinabahan pagkatapos nung eksam dahil nahirapan talaga ako.

Mahirap yung sitwasyon na hindi mo alam kung alin o sino ba yung dapat mong unahin. Bukas ang exam at hindi pa ko nakakapag-aral. At ngayon ay mayroon pa akong ibang bagay na dapat intindihin at daluhan. Pero desisyon ko naman kung ano bang mas gusto kong gawin at kung nao ang pipiliin kong puntahan. Kinakailangan kong umattend sa pag gawa ng props para sa isang gaganapin na event sa kampus. Hindi man hinihingi ang buong pusong pag gawa ay naisip ko na kailangan din nila ang tulong na maibibigay ko kaya naman mas pinili kong gawin yun at isantabi na rin muna ang pag-aaral para sa exam, may mamaya pa naman, yun ang naisip ko. At isa pa, naisip ko na masyado akong magiging unfair na sa mga kasamahan ko kung iiwan ko na lang sila basta at pangalawa sa titser ko na magbibigay ng karagdagang puntos sa exam pag tumulong ka sa pag gawa ng mga kailangan para sa event.

Natapos ang exam, nanghina ako. Hindi ko alam kung naghihina ako dahil gutom na ko o dahil nahirapan ako sa exam, pwede din naman na pinagsama. Natapos na din ang event at makalipas ang isang napakahabang linggo ay lumabas na ang resulta ng pagsusulit.

Nakakatakot. Hindi ko alam kung gusto ko na bang marinig yung pangalan ko na tinatawg nung propesor ko o kung gusto ko na lang na wag na lang niyang tawagun ang pangalan ko. Pero nag exam ako kaya imposible naman na hindi niya ako matawag. Hindi nagtagal ay narinig ko na yung panagalan ko. Kinuha ko ang blue book, parang ayoko pang tingnan yung nakasulat. Nakakatakot talaga. Pagsilip ko, napangiti na lang ako. Nakapasa ako! WOW! Hindi ako makapaniwala. Nakakagulat.

Hindi ko sasabihin na swerte ako dahil kahit paano naman ay pinaghirapan ko kung ano man yung nakuha ko. Masasabi ko na hindi ko inuna yung pansariling intensyon, wala na sa isip ko yung plus points dahil ang inisip ko ay gagalingan ko sa na lang sa exam kahit medyo imposible.

Natutuhan ko nagyon na nasa tamang pagbabalanse ng oras yun at nasa pagdedesisiyon. Nasuklian yung pagsasakripisyo na ginawa namin. Siguro nga ganun talaga ang buhay, kailangan mong magsakripisyo ng ibang bagay para sa mga pagkakataon na kailangan mong pumili lamang ng priority. Minsan masakit at pwede ka pang magdalawang isip pero sa huli may kapalit din ang bawat pagsasakripisyo na ginagawa mo. Sa huli, di mo mapapansin, ngingiti ka rin at mapapawi ang bawat luha at pagkalito.

Sunday, November 29, 2009

Titser (Part I)

Sa buhay nga  naman ng katulad nating mga estudyante ay may makikilala tayo na iba't ibang ugali ng titser. Agree ba kayo? Napakdaming ugali  ng mga guro na dapat nating pakibagayan pero mas matindi naman yung mga kailnagan nila na pakibagayan ay intindihin dahil mas marami tayo sa kanila at ying iba sa ating mga estudyante ay talaga naman na maituturing na pasaway (innate behavior man o yung mga taong nadiscover na enjoy din pala na maging pasaway paminsan minsan.hehe).

Habang nasa loob ako ng management subject ko ay bigla kong naisip yung libro ni Bob Ong na ABNKKBSNPL A ko?. Yung parte ng libro niya na may mga description ng mga naging titser niya at naisip ko na gawin ko kaya yun. Hmm.. at eto na nga yun.

Simulan na natin ang panggigisa at papuri sa mga naging guro ko at sa mga titser na katulad ng ugali nila.

Ma'am Approachable. Eto yung titser ko nung kinder ako o prep ata, ewan di k tanda, basta ang alam ko ay napakabait nitong titser na to dahil lagi ko siyang nalalapitan pag kailangan ko ng tulong nung bata pa ko. At dahil naging close na din ata sila ng lola ko kaya napakabait niya. At habang tina-type ko to ngayon eh nakatatak sa isip ko yung hitsura nya. Prendli ang ismayl. At matalino din kasi ako nung bata pa ko kaya siguro mabait siya saken, bibo kid eh!
Chinese guru. Eto naman yung titser ko nung Grade 1 ako na nagturo saken ng Chinese at ang tanda ko lang na naituro nya saken ay ang numbers 1-10 at ngayon eh hindi ko na tanda yun. Bakit? kasi inayawan ko yung subject na yun, ang hirap pala pag-aralan!hmp. Pero ngayon eh nagsisisi ako kung bakit inyawan ko yun, eh di sana marunobg akong magchinese! astig diba? sayang talaga!!!
Noise Hater. Eto yung mga titser na galit na galit sa mg maiingay na estudyante. Yng tipong konting ingay eh magagalit na talaga. Ang panlaban niya sa mga estudyante pag nag-ingay na eh maglista ng noisy pero hindi siya yung naglilista, may estudyante sa loob ng klase na nakatoka para maglista. Unfair yun dahil hindi naman mapapalista yung naglilista. Madaya diba? At nugn grade 3 ako, napalista ako, at napatayo ako sa ibabaw ng upuan ko. Akalain mo yun!
English Terror. Siya yung principal nung elementary ako. At naging titser ko siya nung grade 6 ako. At mataas ang expectations niya sa amin dahil matagal siyang nagturo sa high school. Ayun, patay ako lagi sa recitation. Kabado pag nagtatawag na, whew! pero mabait naman siya, totoo!
Tiger Look. Isa siya sa mga titser na mukhang nakakatakot at madami naman talagang natatakot sa kanya dahil nakakatakot nga siya. pero isa to sa mga peyborit titser ko! mabait naman siya pag nakuha mo ang loob niya at sa katunayan eh naging top 3 ako nung siya yung adviser ko. Pero naniniwala naman akong may guts din ako no!hahaha.
 Computer Cutie. Wow! Yun lang masasabi ko pag dumadaan tong titser na to. Gwapo si sir at talaga naman na pag dumadaan eh kinikilig ang mga kabataan (elementary pa lang yun ha!) at nangunguna nga palang kiligin yung bading kong klasmeyt. Amp!hahaha!
Kapatid ni Tiger Look. Kamukha siya nung kapatid niya at kung ihahambing silang dalawa ay talaga naman na sasabihin mo na magkapatid talaga sila kasi parang pinagbiyak na bunga. Pero eto mas mukhang mabait pero di kami masyadong close hindi katulad nung kapatid niya. Ok din naman at -oo nga pala- magkaboses din silang dalawa. Mabait to pero nangungurot.

...may kasunod pa to.

Saturday, November 21, 2009

Nasan na ang Barkada?

Sa eskwelahan nagsisimulang dumami ang mga taong nagiging malapit sa buhay mo, mga taong nakagawa na  ng marka sa'yo (maganda man o panget, nakakatawa man o nakakaiyak) na talaga naman na hindi mo makaklimutan. Pero hindi nga ba talaga makakalimutan o sa simula mo lang sila maaalala tapos pagkatapos ng mahabang panahon na hindi na kayo nagkikita eh nakalimutan mo na sila at ganun din naman sila sa'yo.

Simula elementary hanggang hayskul eh palagi akong nasa pilot/star section. Hindi naman nagbabago mga kaklase ko at kung meron mang magbabago ay napakonti lang. Pwedeng madagdagan o kaya mabawasan at pwede din naman mapalitan nung mga taga-ibang section. Basta kelangan mo lang ma-maintain yung grade mo tapos solb ka na, mananatili ka pa din sa section na yun. At dahil dun eh naging mas malapit ako sa mga kaklase ko. Mas nagkaron ako ng panahon na makilala sila dahil na din sa pagkahabahabang panahon nayun.

Nung hayskul, nakabuo ako ng barkada at pagkatapos ay unti-unti ng naging malapit ang bawat isa saming magkakaklase, yung tipong hindi kami maghihiwahiwalay. Pero ang lahat yata ng pagsasama ay may katapusan o baka sa akin lang nagtapos ang lahat?

Wala na kong masyadong balita sa kanila, namimiss ko na ang barkada pero naisip ko na ako din ang may kasalanan dito. Bakit? Dahil masyado ko ng nililimitahan ang sarili ko s mga bagay bagay at kasama na dito ang hindi pagsama sa kanila. Kaya naman siguro wala akong karapatan na magtampo kung pakiramdam ko eh nakalimutan na nila ako dahil ako naman ang gumawa ng paraan para mangyari yun.

Mahalaga ang mga kaibigan para mabuhay ka. Para ding oxygen yung mga yun eh, pag wala sila dead ako. Pero nasan na nga ba sila? nasan na ang nagsisilbing oxygen ko?

Sunday, November 8, 2009

Pagsisimula

Sa tinagal tagal ko  ng nagaaral ay ngayon ko lang talaga naisipan na gumawa ng blog para i-share yung mga experiences ko sa skul pati na din yung mga bagay bagay na may kinalaman na din sa eskwelahan. Eh kasi naman bisi-bisihan o talaga lang tamad lang ako.hehe. Sa tingin ko naman kahit naman lahat tayo ay nag-aaral ay siguro naman may pagkakaiba-iba pa din kung paano natin ginugugol ang ating mga panahon sa eskwelahan, malaki man o maliit yung mga detalyeng yun eh talaga naman na dapat pa rin inaalala. Sabi kasi nila mas masaya daw at mas masarap ang mag-aral kesa magtrabaho. Ewan ko din lang, baka naman nag a-apply lang yun sa mga taong wala naman talaga sigurong gustong gawin sa buhay kundi humilata at kumain (sa mga natamaan, sorry.hehe.) Pero ok din naman mag-aral, kasi  may nakukuha akong mga bagong bagay yun nga lang ayoko ng exams.haha.

Sa totoo lang, mahirap naman talaga maging estudyante, feeling ko nga lagi akong tino-torture ng mga titser ko eh pero alam ko naman na paraan nila yun para hasain ako (kahit hindi naman ako kutsilyo) at para  matuto ako. Naging tatak na lang siguro sa mas nakararaming estudyante ne nakakatamad an magaral kasi kahit ako minsan (oops, mas madalas sa minsan,haha) tinatamad din talaga magaral pero dahil gusto ko ng maka-gradweyt eh talaga naman na napipilitan din.

Marami din naman kasi tayong pwedeng gawing rason para mag-aral eh. Unang una para sa sarili mo. Para naman hindi ka lang basta aasa ng aasa sa magulang mo o kaya sa mga kapatid mo. Isipin mo na lang pano kung kunin na sila ni Lord o kaya bigla na lang silang nawala (parang magic!), o san ka pupulutin diba? Pangalawa, para sa mga magulang mo. Para naman matuwa sila sa'yo.hehe. Lagi mo na din kasing pinapasakit ang ulo nila. Pangatlo, para sa bayan? Pero totoo 'to ha. Nakita mo na nga kung anong nangyayari sa Pilipinas tapos dadagdag ka pa sa mga pabigat. Eh kung makakatulong ka sa bansa eh di mas maayos diba. (pwede na ba kong tumakbo?haha). Bonus na lang yung sweldo na kikitain mo kapag nagtrabaho ka saka diba maganda sa pakiramdam yung may ipagmamalaki ka. :))

Masaya naman mag-aral (minsan?hehe) konting tiyaga lang kelangan. makakatapos ka din kahit gano pa yan katagal.

*hanggang sa susunod*

PS bisitahin mo din yung isa kong blog, eto oh.. Oasis
Maramong salamat:))

Pagbabalik

*buntong hininga*

ayun. tapos na ang halos dalawang linggong pahinga na dulot ng sem breyk. (salamat talaga sa nakaimbento ng breyk na yun.haha) kahit papano ay nakapapahinga naman ako. yun nga lang, parang kulang pa pero ano bang magagawa ko eh hindi ko naman kayang baguhin yung rules and regulation ng eskwelahan. siguro susunugin ko yun, malaki ang chance na hindi matuloy ang pasukan. pero ayoko, baka isipin niyo na psychotic ako (pero normal yun sa mga estudyante) normal na ang magbigay ng threat sa iskul na kanilang pinapasukan at pagkatapos ay hindi naman talaga namin kayang gawin.hahaha! mas maraming beses na hanggang salita lang kami kesa sa gawa. i-apply natin yun sa mga bagay na masyado ng foul.:)

bukas, aalis na naman ako ng bahay. kailangan na ulit bumalik sa pag-aaral o sa paloloko. minsan talaga napakahirap ikondisyon ang sarili sa mga bagay bagay na ayaw mo pang gawin. pero kung wala naman pipilit sa'yo malamang sa malamang eh hindi mo na 'to gagawin dahil wala na nga pumipilit sa'yo.hehe. at ang pinakaayoko na parte ng pag-alis eh yung parte na kailangan ko mag-imoake ng mga gamit ko, mas nararamdaman ko yung nalalapit na pag-alis. o baka naman nagiinarte lang ako kase malapit lang naman bahay namin at every week din naman ako umuuwi, pwede din naman na tamad lang talaga ko at pati pagaayos  ng  mga damit ko eh kitatamadan ko.tsk.

sa aking pagbabalik, sana may magbago. ano yon? sana maging maayos na ang buhay ko (buhay akads yun), malapit lapit  na din akong mapaalam sa kampus... at yun ay kung  makakagraduate ako on time. (ipagpray mo naman ako o?hehe) pinaghihirapan ko naman eh:) pramis! minsan lang talaga madaming mga temptations pero mas madalas eh naiiwasan ko naman yun maliban na lang sa isang bagay na para saken eh napakahirap iwasan, ang MATULOG.

mararanasaan ko na naman ang maglakad ng walang payong sa ilalim ng pagkainit na araw o kaya naman mapaliguan ng pagkalakas lakas na ulan. magpuyat dahil sa napakadaming requirements o kaya naman eh dahil sa exams. pero may masaya naman na parte ng pagbalik, eto yung baon. wee!

*hanggang sa susunod*