Kanina habang pauwi ako ay hindi ko alam kung ano bang magandang ikwento o kung may makabuluhan ba akong bagay na dapat ikwento. Sa pag-iisip ko at kagustuhan na din na magsulat ay bigla kong naisip yung resulta ng pagsusulit ko noong isang linggo. Pagsusulit yun sa isang
major subject na talaga namang nakakakaba. Halos, tumalon na nga ata yung puso ko nung mga panahon bago at habang nageeksam ako pero mas lalo akong kinabahan pagkatapos nung eksam dahil nahirapan talaga ako.
Mahirap yung sitwasyon na hindi mo alam kung alin o sino ba yung dapat mong unahin. Bukas ang
exam at hindi pa ko nakakapag-aral. At ngayon ay mayroon pa akong ibang bagay na dapat intindihin at daluhan. Pero desisyon ko naman kung ano bang mas gusto kong gawin at kung nao ang pipiliin kong puntahan. Kinakailangan kong um
attend sa pag gawa ng
props para sa isang gaganapin na
event sa kampus. Hindi man hinihingi ang buong pusong pag gawa ay naisip ko na kailangan din nila ang tulong na maibibigay ko kaya naman mas pinili kong gawin yun at isantabi na rin muna ang pag-aaral para sa
exam, may mamaya pa naman, yun ang naisip ko. At isa pa, naisip ko na masyado akong magiging
unfair na sa mga kasamahan ko kung iiwan ko na lang sila basta at pangalawa sa titser ko na magbibigay ng karagdagang puntos sa
exam pag tumulong ka sa pag gawa ng mga kailangan para sa
event.
Natapos ang
exam, nanghina ako. Hindi ko alam kung naghihina ako dahil gutom na ko o dahil nahirapan ako sa
exam, pwede din naman na pinagsama. Natapos na din ang event at makalipas ang isang napakahabang linggo ay lumabas na ang resulta ng pagsusulit.
Nakakatakot. Hindi ko alam kung gusto ko na bang marinig yung pangalan ko na tinatawg nung propesor ko o kung gusto ko na lang na wag na lang niyang tawagun ang pangalan ko. Pero nag
exam ako kaya imposible naman na hindi niya ako matawag. Hindi nagtagal ay narinig ko na yung panagalan ko. Kinuha ko ang
blue book, parang ayoko pang tingnan yung nakasulat. Nakakatakot talaga. Pagsilip ko, napangiti na lang ako. Nakapasa ako! WOW! Hindi ako makapaniwala. Nakakagulat.
Hindi ko sasabihin na swerte ako dahil kahit paano naman ay pinaghirapan ko kung ano man yung nakuha ko. Masasabi ko na hindi ko inuna yung pansariling intensyon, wala na sa isip ko yung
plus points dahil ang inisip ko ay gagalingan ko sa na lang sa
exam kahit medyo imposible.
Natutuhan ko nagyon na nasa tamang pagbabalanse ng oras yun at nasa pagdedesisiyon. Nasuklian yung pagsasakripisyo na ginawa namin. Siguro nga ganun talaga ang buhay, kailangan mong magsakripisyo ng ibang bagay para sa mga pagkakataon na kailangan mong pumili lamang ng
priority. Minsan masakit at pwede ka pang magdalawang isip pero sa huli may kapalit din ang bawat pagsasakripisyo na ginagawa mo. Sa huli, di mo mapapansin, ngingiti ka rin at mapapawi ang bawat luha at pagkalito.